WOKA LAMPS VIENNA
WOKA GALLERY VIENNA

Jugendstil and Viennese Workshop, Designer and Architectural Designs hand-made reproductions of exclusive lamps and chandeliers original antiques and art objects of the 19th and 20th centuries.

Para maipaliwanag ang special position ng WOKA LAMPS VIENNA, kailangang bigyan ng kaunting kaukulan ang historical development ng industrial handicraft.

Historicism
Sa simula ng 20th century ang technical language na ginagamit sa Architecture and Design, lalo na sa ornamentation, ay galing sa mga modelong makasaysayan o historiko.

Sa katapusan ng 19th century nagsimula ang mga progresibong kinatawan ng mga sining na paglabanan ito, dahil sa palagay nila, ang mga styles na galing sa panahong Gothic, Baroque, o kaya Renaissance at Empire ay lipas na at hindi na katumbas ng pag-iisip Europeo.

Kabaliktaran ng nagsisimulang industrialization at ng bunga nitong mass production, dumating ang pagtatayo sa buong kapuluan ng School of Arts and Crafts at ang mga and Crafts movements, para mapangalagaan ang sining ng handicraft.

Nagbunga sa pagkakahalo ng ibat-ibang modelong makasaysayan o historiko ng sinamahan ng oriental influences, lalo na ang pagtatampok ng kalikasan at kanyang mga maraming anyo, ang pagpapakilala noong 1900 ng Jugendstil sa Belgica, Francia, Inglaterra, at sa monarchy ng Austria-Hungary .

Mula sa ika-14 na exhibition ng Secession (1902), nahalata na ang napaka-radical na kalayaan ng mga artistang taga-Vienna, na siyang nagpatuloy ng kilusan hanggang sa "moderno".  

Ang cubist sculpture na pinakilala noong 1902 ng kilalang architect na taga-Vienna na si Josef Hoffmann ang nagmarka ng pagkahiwalay ng mga artistang taga-Vienna.  Lalo na itong kahanga-hanga, kapag iisipin na ang tinatawag na cubism ay napakilala sa madla noong 1907 sa pamamagitan ng mga likha ni Pablo Picasso, at noon lamang nagkaroon ng kahulugan sa larangan ng Art History ang kilusang ito.

Sa pagtatayo ng  Wiener Werkstaette noong taong 1903, may panibagong style na naging kilala, ang tinatawag na "Wiener-Werkstaette-stil".

Sa pamamagitan ng kanyang mga designs na avant-garde, artistiko, at walang kupas, natatakan ng Vienna-Workshop-Style ang generations ng mga architects at designers ng 20th century.

Naimpluwansiyahang mabuti ng Vienna Workshop  ang mga kilusang Bauhaus, Art-Deco sa America sa mga taong 1920-1940, i Scandinavian Design ng mga taong 1940-1960, at pati na ang Italian Design ng mga taong 1960 1980.

Ang mga katangi-tanging modelo ng historiko o makasaysayang Vienna Workshop ay makikita sa WOKA LAMPS VIENNA na tunay na gawa sa kamay habang ginagamitan ng mga original na kasangkapan.

Ang mga chandeliers ay mabibili sa exclusive na mga special stores na mga matatagpuan rin sa internet.

Sa  Karolinsky-Collectionmaari ring makita ang mga antiques at art objects mula sa panahong 1900 hanggang sa kasulukuyan.

Ang mga lamparang traditional na gawa sa kamay na batay sa mga original na modelo ay inihahandog sa styles na Gothic, Baroque, Biedermeier, Maria Theresia, Polish, at Flemish.

Kasama ng mga traditional enterprises na Backhausen, Lobmeyr, Augarten at Wittmann, ang WOKA LAMPS VIENNA ay kasapi ng Wien ( Vienna)-Products

 

WOKA LAMPS VIENNA

Display rooms sa gitna ng Vienna, sa palasyong Baroque na Palais Breuner, A-1010 Wien 1, Singerstrasse 16, tel. +43-1-5132912; Fax: +43-1-5138505.